KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ti•ngín

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtutuon ng mata sa isang bagay o direksiyon.
KÍTA, MASÍD, SÍPAT, TANÁW

2. Tingnan ang palagáy
Ano sa tingín mo?

3. Nabuong hatol batay sa pagsisiyasat at pagmamasid.

4. Pagpapahalaga sa isang tao.

Paglalapi
  • • pagtingín, paningín : Pangngalan
  • • magpatingín, makatingín, patingnán, tingnán, tumingín: Pandiwa
Idyoma
  • hindî makúha ang tíngin
    ➞ Ayaw makinig sa mga babala ng mata lámang.
  • naiibá sa tingín
    ➞ Iba na ang dáting nakikíta.
  • tapunán ng tingín
    ➞ Masdan.
  • tumitingín sa salapî
    ➞ Materyoso.
  • waláng pagtingín
    ➞ Hindi iniibig.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.