KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sí•pat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtiyak nang mabuti ng isang bumabaril o bumabato sa ibig niyang patamaan.

2. Pagtingin sa anumang nakahalayhay upang matiyak kung tuwid o hindi, karaniwan sa pamamagitan ng isang mata habang nakapikit ang isa.

3. Masusing pagtingin o pagsusuri sa isang bagay upang matiyak ang áyos.

Paglalapi
  • • sipátan: Pangngalan
  • • pasipátin, sinípat, sipátin, sumípat: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.