KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•la•gáy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pansariling pananaw, husga, o paniniwalang nabuo sa isip ukol sa isang tiyak na paksa.
Ano sa palagáy mo ang dapat gawin?
ESPEKULASYÓN, HAKÀ, ÍSIP, KAISIPÁN, KÚRO, OPINYÓN, SÁLOOBÍN, SAPANTAHÀ, TINGÍN

Paglalapi
  • • pagpapalagáy, palá-palagáy : Pangngalan
  • • ipagpalagáy, magpalagayán, magpalagáy: Pandiwa

pa•la•gáy ang lo•ób

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi naliligalig o hindi nangangamba sa isang kalagayan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.