KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

han•dâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Iba’t ibang pagkaing inilaan sa mga panauhin.
Sari-sari ang handâ niya sa kaniyang kaarawan.
HÁIN, PUTÁHE

2. Anumang bagay na iniuukol sa hinaharap.
LAÁN, PRÉPARASYÓN, ÚKOL

Paglalapi
  • • handáan, kahandaán, paghahandâ, pinaghandaán: Pangngalan
  • • handaán, hinandâ, humandâ, ihandâ, ipaghandâ, maghandâ, paghandaán, paghandaín, pahandaín : Pandiwa
  • • mapaghandâ, nakahandâ: Pang-uri

han•dâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Ginawa para sa isang tiyak na paggamit o pagsasaalang-alang.

2. Nása panahon na maaari o angkop nang gamítin para sa isang gawain.
APROPYÁDO, DISPUWÉSTO, LAÁN, NAKAHANDÂ, PREPARÁDO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.