KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•án

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paghahanda o pag-uukol ng anuman para sa hinaharap.
Ang laán ng nanay para sa iyo ay masarap na hapunan.
RESÉRBA, TAGANÁ

Paglalapi
  • • panlaán: Pangngalan
  • • ilaán, maglaán, magpalaán, mapaglaánan, paglaanán: Pandiwa
  • • pinálaán: Pang-uri
Tambalan
  • • laáng-gugulínPangngalan

la•án

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakareserba o nakatalaga.
TÁAN

2. Tingnan ang handâ
Laán ang mga araw ng Sabado at Linggo sa aking pamilya.

Paglalapi
  • • magpalaán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.