KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ha•lung•kát


Pangngalan

Masusing paghahanap sa isang sisidlan o anumang pook na maaaring pagkataguan.
Sa aparador mo simulan ang halungkát at bakâ-sakaling doon naisiksik ang iyong hinahanap.
HALUGHÓG, HALÚKAY, HALUNGKÁY, HALWÁT, KALKÁL

  • • paghahalungkát: Pangngalan
  • • halungkatín, hinalungkát, humalungkát, ipahalungkát, maghalungkát, makihalungkát: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.