1. Paghahanap ng nawawalang bagay kung saan masusing sinisiyasat ang lahat ng dáko.
Nawawala ang tiket ni Celso na nanalo sa lotto kayâ panay ang halughóg sa kaniyang mga gámit.
→ HALÚKAY, HALUNGKÁT
2. Paghahanap sa mga gámit ng táong pinaghihinalaang nagtatagò o nag-iingat ng anumang ipinagbabawal o hindi kaniya.
Masinsinang halughóg ang ginawa ng security guard sa bag ng bawat empleado.
→ INSPEKSIYÓN