Paghahanap o pagbubuklat sa dákong ilalim ng sisidlan.
Matiyaga ang ginawa niyang halungkáy sa bunton ng damit sa tindáhan ng ukay-ukay upang makapili ng magandang bibilhin.
→ HALÚKAY, HALUNGKÁG, HALUNGKÁT
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.