1. Panghaliling tawag sa isang tao (lalo na ng mga táong malapít sa kaniya) na karaniwang mula sa tunay na pangalan.
“Maring” ang paláyaw ng kaibígan kong si Maria.
→ AMBÍL, ALYÁS, PALÁYO, TAGURÎ, TÁWAG, LAGYÔ
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.