1. Hindi tunay na pangalan, lalo na ng isang malihim na tao o sinumang nasasangkot sa masasamáng gawain.
Kilála ng buong barangay si Guillermo alyás "Buwitre" at talagang kinatatakutan.
→ BANSÁG, TAGURÎ
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.