KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

tá•wag


Pangngalan

1. Salitáng pagkakakilanlan ng anumang entidad na ginagamit upang tukuyin ito.

2. Pagsasalita nang malakas na iniuukol sa isang tao na kung malayò upang palapitin.

3. Paggamit ng telepono upang kausapin ang sinuman.

4. Tawag din sa mga katulad na anyo ng pakikipag-usap onlayn.

5. Pagpapatalastas ng kasal na ipinahahayag ng pari nang tatlong ulit.

  • • katawagán, pagtáwag, panawágan, panáwag, patáwag: Pangngalan
  • • itáwag, magtawág, manawágan, matáwag, tawágan, tawágin, tumáwag: Pandiwa
  • • panáwag, patáwag: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.