KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•yâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpapasok ng pera sa isang gawain na isasapalaran dahil maaaring tumubò (lalo kung sa sugal).

2. Tawag din sa halaga ng perang ipinagsasapalaran.
PUSTÁ, BET

3. Gampanin ng isang kalahok o panig sa larong pambata na lumalagay sa sadyang lugar, pumipigil na manalo ang kalaban, at iba pang tiyak na gawain ayon sa alituntunin ng laro.

Paglalapi
  • • mananayà, pagtayâ: Pangngalan
  • • ipatayâ, itayâ, magtayâ, manayâ, patayaín, tayaán, tumayâ: Pandiwa

tá•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
ta•yá
Kahulugan

Pagpapasiya hinggil sa halaga, dami, lakí, atbp. sa tulong ng pagsusuri na maaaring batay sa pandamá o karanasan.
KALKULÁ, TANTIYÁ, TÁSA, ESTIMASYÓN, APROKSIMASYÓN

Paglalapi
  • • pagtáya: Pangngalan
  • • ipatáya, tayáhin, tumáya: Pandiwa
  • • tayá : Pang-uri

ta•yá

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Alam na sa pamamagitan ng karanasan at mga pandamá.
SUKÁT, TALASTÁS

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?