KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•gáy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-iiwan o pagpupuwesto ng anumang bagay saanman.
Patayô ang lagáy ng tikín.

2. Tingnan ang tayâ
Sampung piso ang lagáy ko sa unang pangkat ng manlalarò.

3. Tingnan ang súhol
Panay ang lagáy niya sa mga tao para siya ang iboto sa halalan.

Paglalapi
  • • lagáyan, lalagyán, pagkalagáy, paglagáy, paglalagáy, pagpapalagáy, pagpapalagáyan : Pangngalan
  • • ilagáy, inilagáy, lagyán, lumagáy, maglagáy, mapalagáy: Pandiwa
Idyoma
  • maluwág ang lagáy
    ➞ May sapat na kuwarta upang magugol; walang suliranin sa búhay sapagkat may mapagkukunan; may matatakbúhan sakaling magipit o kulangin sa anumang pangangailangan; malayà sa kalagayan.

la•gáy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang kalagáyan
Malubha ang lagáy ng bátang nasagasaan.

Paglalapi
  • • kalagáyan, kinalalagyán: Pangngalan
Idyoma
  • masamâ ang lagáy
    ➞ Malubhâ.

la•gáy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang lóte
Natanggap niya ang isang lagáy ng lupa sa Bulacan bílang pamana ng ama.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?