KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sú•kat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Habà, lápad, o lakí ng anuman.

2. Pag-alam kung gaano karami, kalakí, o kahabà sa pamamagitan ng takalán, panukat, o anumang maaaring magámit para dito.

3. LITERATURA Bílang ng mga pantig sa taludtod.

Paglalapi
  • • kasúkat, manunúkat, pagkakasúkat, pagsusúkat, panúkat, sukatán: Pangngalan
  • • ipanúkat, ipasúkat, isúkat, magsúkat, magsúkatan, maipasúkat, pasukátan, pasukátin, sukátan: Pandiwa
  • • panukátan, sukát: Pang-uri

su•kát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang hustó

Idyoma
  • sukát ang bulsá
    ➞ Alam ang kakayahan sa pagbabayad.
    Sukát ko ang kaniyang bulsá kayâ alam kong hindi niya iyon kayang bilhin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?