KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•lí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagiging hulí sa pagdating, nangyayari, atbp.
ATRÁSO

2. Tao o bagay na hulí sa pagdating.

3. Tingnan ang wakás

4. Dákong likuran.
BUNTÓT, LIKÓD

Paglalapi
  • • hinulí, hulihán, kahulihán, mahulí, pagkahulí : Pangngalan
  • • káhulí-hulíhan, pahulí, panghulí : Pang-uri
Idyoma
  • hulíng baráha
    ➞ Pangwakas na paraan upang makamit ang hangad
    Hulíng baráha na ang paglapit ko sa kaniya.
  • hulíng hantúngan
    ➞ Libingan.
    Inihatid namin sa hulíng hantúngan ang kaniyang apó.
  • hulíng kabít
    ➞ Ang mano sa isang larong tulad ng tatsing; hulíng nakapagdudugtong sa manuhan sa larong tangga.

hú•li

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagdakip sa isang tao o bagay.
Mabilis naubos ang húling isda sa pantalan.
ARÉSTO, DAKÍP

2. BATAS Táong nadakip ng alagad ng batas.
Isinakay sa sasakyán ang húli ng pulis na magnanákaw.

Paglalapi
  • • hulihán, kahulíhan, manghuhúli, paghúli, pagkahúli, panghúli: Pangngalan
  • • hinúli, hulíhin, humúli, ipahúli, ipakihúli, ipanghúli, mahulíhan, mahúli, manghúli, pahulíhin: Pandiwa
Idyoma
  • nahúli sa bibíg
    ➞ Nabisto dahil sa kadaldalan.
    Nahúli sa bibíg na nagsisinungaling si Rico.

hu•lí

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi nakarating sa takdang oras.
Hulí siya ng ilang minuto sa kanilang tipanan.
ATRASÁDO

2. Nása dákong likuran; hindi una o naiwan sa hulihán.
Nása dákong hulí ng píla ang kaniyang kapatid.

3. Tingnan ang pangwakás
Nang siya ay dumating sa sinehan nása bandáng hulí na ang pelikulang kaniyang panonoorin, kayâ inulit niya ito upang maintindihan ang istorya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?