KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

li•kód

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Dáko o panig na karaniwang natatakpan ng anumang nása harap.
HULÍ, ILÁLIM, KABILÂ

2. ANATOMIYA Kabiláng panig ng katawan ng tao o hayop, mula sa balikat hanggang balakang.

Idyoma
  • kamáy sa likód
    ➞ Tulong na ginagawa nang palihim.
  • hindî makaúnat ang likód
    ➞ Napakaraming gawain.
  • nása likód
    ➞ Handa sa pagtulong; kasang-ayon.
Tambalan
  • • likód-báhayPangngalan

li•kód

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nása dákong kabilâ ng harapan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?