KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bun•tót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pahabâ at nakausling bahagi ng katawan ng hayop na nása dákong hulihán (gaya ng sa áso, unggoy, butiki, atbp.).

2. Tawag din sa kahawig na bahagi ng anumang bagay.

Paglalapi
  • • bumuntót, buntután, maibuntót: Pandiwa
  • • pambuntót: Pang-uri
Idyoma
  • buntót
    ➞ Binatang nangingibig.
    Si Jose ay buntót sa anak na dalaga ni Mang Joey.
  • bahág ang buntót
    ➞ Duwag.
    Hindi siya humarap sa pakikipagtálo kay Sendong dahil bahág ang buntót niya.
  • may pabuntót
    ➞ May habol na pasaring.
    May pabuntót pa ang mga pangungusap niya.
  • nagbuntót ng masamâ
    ➞ Lumikha ng hindi mabuti.
    Nagbuntót ng masamâ sa pagtitinginan nila ni Luz ang ginawa niyang pagtulong kay Ana.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?