KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•ngò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. KULINARYO Pag-aalis ng palayok at iba pang nakasálang sa apoy o kalan.
Dahan-dahanin mo ang hangò ng sabaw sa kalan at bakâ ka mapasò.
ÁHON, KÚHA

2. Pagliligtas sa isang nása panganib.

Paglalapi
  • • hanguán, paghahangò, panghangò, pinaghangúan: Pangngalan
  • • hangúin, hinangò, humangò, ihangò, ipahangò, maghangò, mahangò, paghangúan: Pandiwa
  • • mapaghangúan : Pang-uri

ha•ngò

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Inihalaw sa isang akda.
Hangò ang talatang iyan sa Florante at Laura.
BÁTAY, GÁYA, SÁLIG

2. Itinulad o ibinatay sa iba; hindi orihinal.

3. Naalis na sa pagkakasálang sa apoy o kalan.
Hangò nang matagal ang nilutong ulam ni inay bágo ka dumating kayâ malamig na ito.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?