KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kú•ha

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagdampot o pag-aalis ng isang bagay sa isang lugar o sisidlan at pagdadala nitó saanman.
Bigla ang kúha ng batà sa laruan.
ABÓT, PÚLOT

2. Gáling, mulâ, o buhat sa anuman.

3. Pagkuha ng retrato.
Malabo ang kúha niya sa larawang ito.

4. Tingnan ang kamít

Paglalapi
  • • pagkúha, tagapangúha: Pangngalan
  • • ikúha, kinúha, kuhánin, kumúha, kúnan, magpakúha, makakúha, mangúha: Pandiwa
  • • pinagkukúnan: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.