KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•bot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang datíng

2. Pagtatagpo o pagtama sa anumang paraan.

Paglalapi
  • • pag-aabót, pag-abót: Pangngalan
  • • abután, abutín, mag-abót, paabutín: Pandiwa
  • • abót-abót, pinag-abután: Pang-uri

a•bót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbibigay sa pamamagitan ng kamay.

2. Lawak, laki, o sakop ng anumang pisikal.

3. Pagkuha o paghipo sa pamamagitan ng dukwang.

4. Nasasakop ng isip, pang-unawa, o kaalaman.

Paglalapi
  • • pag-aabót, tagaabót: Pangngalan
  • • abután, abutín, inabót, iabót, maabót, mag-abót, umabót: Pandiwa
Idyoma
  • hindî nakaáabót
    ➞ Hindi nakauunawa ng katwiran

a•bót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Sakop o nakapaloob sa limitasyon ng anumang kilos tulad ng pag-iisip, paningin, bisà, habà, atbp.
SAKLÁW

2. Nararating, nasasapit.

3. Nahihipo nang nakaunat ang bisig.
Abót niya ang walis.

4. Sagad.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.