KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•tíng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsapit sa isang pook.
Madaling-araw táyo aalis para maaga ang datíng natin sa Maynila.

2. Tawag din sa mga táong sumapit doon.
Kamag-anak namin sa probinsiya ang mga bagong datíng.

3. Tingnan ang régla

4. Makabuluhang bisà sa pandinig, paningin, o pandama (lalo na ng isang pagtatanghal).
Walang datíng 'yong pagkanta niya.

Paglalapi
  • • datíngan, pagdatíng, paratíng : Pangngalan
  • • datnán, dumatíng, makaratíng, maparatíng, maratíng, niratíng, paratingán, paratingín : Pandiwa
Idyoma
  • malakás ang datíng
    ➞ May kaakit-akit na bisà ang hitsura at kilos.
    Malakas ang datíng ni Dennis sa kababaihan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.