KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

rég•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Pinagbabatayan sa paghulà ng mangyayari o magaganap, alinsunod sa mga nagdaan (gaya sa isang huwego).

Idyoma
  • narerégla ka ngayon
    ➞ Napapanahon ang isang tao na maging mapalad.
  • wala sa régla
    ➞ Hindi karapat-dapat; wala sa panahon.

rég•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

BIYOLOHIYA Buwanang proseso ng paglalabas ng dugo at iba pa ng mga babaeng hindi buntis.
DÁLAW

rég•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Tingnan ang batás

2. Kaugaliang sinusunod sa isang pook batay sa kinamulatan.
Mayroon siláng kahanga-hangang régla sa pakikipagkapuwa-tao.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.