KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•hon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-angat patúngo sa kalapit na rabáw upang umalis sa anumang láwas ng tubig.
SALTÁ

2. Pagtúngo sa mas mataas na pook.
AKYÁT, SAMPÁ

3. Pagtúngo sa bayan.
LUWÁS

4. Pagbabâ ng sinuman o anuman búhat sa sasakyáng-dagat.

5. Pag-aalis ng anumang nilulutò na nása kalan, pugón, o apoy.

Paglalapi
  • • ahunán, pag-áhon: Pangngalan
  • • ahúnan, ahúnin, iáhon, mag-áhon, makaáhon, maáhon, umáhon: Pandiwa
  • • paahón: Pang-uri
Idyoma
  • nakaáhon sa útang
    ➞ Nakabayad na sa mga pagkakautang.
    Nakaáhon sa útang si Adrian nang siyá ay manalo sa lotto.
  • bágong-áhon
    ➞ Mangmang, walang nalalaman.
    Ang kilos at ugali ng batà ay nagpapakilalang bágong-áhon siyá rito sa lungsod.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.