KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ham•bá•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang nakakalat at nagiging sagabal sa daanan.
Ang hambálang na dulot ng laruan ng batà ay hindi naging kasiya-siya sa mga dumarating na panauhin.
HÁLANG, HÁRANG, PAGHÁLANG

Paglalapi
  • • paghambálang, panghambálang: Pangngalan
  • • humambálang, ihambálang, maghambálang: Pandiwa
  • • naghambálang, nakahambálang: Pang-uri

ham•bá•lang

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakaharang; sagabal sa daanan.
Hambálang sa daan ng sasakyán ang mga punong nabuwal dahil sa malakas na bagyo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?