KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•rang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
há•lang
Kahulugan

1. Anumang bagay na nakahambalang sa daan upang mapigil ang pag-usad o pagtawid.
Alisin mo ang hárang sa may pintuan upang makapasok kami.
OBSTRUKSIYÓN

2. Kilos na pumipigil sa malayang galaw.
BALÁKID, HADLÁNG, HAMBÁLANG, HÁLANG, SAGÁBAL

Paglalapi
  • • manghahárang, paghárang, panghahárang, panghárang: Pangngalan
  • • humárang, mahárang, manghárang: Pandiwa
  • • nakahárang: Pang-uri
Idyoma
  • nahárang na namán
    ➞ Nalamangan o nagulangan na naman; nakunan ng isang bagay sa pamamagitan ng panlilinlang.
    Nahárang na namán si Tata Selo ng kaniyang mga apó ng pangmeryenda.

ha•ráng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Varyant
ha•láng
Kahulugan

Anumang bagay na sapad at lapád lalo na kung ang tinutukoy ay tainga.
Haráng ang kaniyang tainga kayâ lahat ay naririnig.

Paglalapi
  • • harángin : Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?