KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang hárang
Nilagyan ng hálang ang pintuan upang hindi makalabas ang sanggol.

2. Paglagay o pagtayô sa isang daanán o lagusan.

3. PANGINGISDA Lambat na pangkulong at panghúli ng tunsoy, lapad, silinyasì, at isdang kauri nitó.

Paglalapi
  • • paghahálang, paghálang: Pangngalan
  • • halángan, humálang, ihálang, maghálang: Pandiwa
  • • nakahálang: Pang-uri

ha•láng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Walang awa.
Hindi niya akalain na haláng ang ugali ng napangasawa.
SALBÁHE

2. Tingnan ang pabalagbág

Paglalapi
  • • pahaláng: Pangngalan
  • • pahaláng: Pang-uri
Idyoma
  • haláng ang bitúka
    ➞ Hindi natatakot mamatay at makapatay, karaniwang ikinakapit sa isang palaaway; huramentado.
    Huwag patulan ang laláking haláng ang bitúka.
  • haláng ang kaluluwá
    ➞ Táong walang kinikilalang katwiran, hindi natatakot gumawa ng masamâ.
    Haláng ang kaluluwá ng kriminal na nahúli dahil sa dami ng kasong kinakaharap niya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?