KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gú•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Haba ng panahon na nabubuhay ang isang organikong entidad na maaaring tao, hayop, o halaman.
Sampung taóng gúlang pa lámang ang anak ko.
EDÁD, TANDÂ

Paglalapi
  • • magúlang: Pangngalan
  • • magúlang: Pang-uri

gú•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Ugaling mapagsamantalá sa mga kulang sa karanasan at kaalaman.
LAMÁNG, LÓKO, LINLÁNG

Paglalapi
  • • gulángan, gumúlang, magpagúlang, manggúlang: Pandiwa
Idyoma
  • nagsábi ng gúlang
    ➞ Ipinagtapat ang pakay.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.