KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•lá•lan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
halál
Kahulugan

1. POLITIKA Araw o panahon ng pagpilì ng mga táong manunungkulan sa pámahalaán sa pamamagitan ng pagboto.
Ang pambansang halálan sa Pilipinas ay tuwing ikatlong taon.
BOTOHÁN, ELEKSIYÓN

2. Pagpilì ng mga táong itatalaga sa tungkulin sa pamamagitan ng pagboto.
Palihim ang halálang gagawin para sa tagapangulo ng samahán.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.