KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ló•ko

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
loco
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Táong wala sa tamang pag-iisip; lóka kung babae.
BALÍW, SIRAÚLO

2. Táong nanloloko, nagsisinungaling, o gumagawa ng anumang kasamaan.

Paglalapi
  • • kalokóhan, lukáyo, manlolóko: Pangngalan
  • • lokohán, lokóhin, mapagkalokohán: Pandiwa
  • • lokó-lokó: Pang-uri

ló•ko

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May sirà ang isip.
BANDÁY

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?