KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ga•láw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang kílos
Sabay-sabay ang galáw ng mga kamay at paa ng mananayaw.

2. Pagbabago sa posisyon ng mga bahagi ng anumang mekanismo.
Mabagal ang galáw ng mákináng ito dahil malápit nang masira.

3. Masining na pagganap ng isang artista kung nagtatanghal ng anuman.
ÁRTE

4. Tingnan ang lípat

Paglalapi
  • • galawín, galáw-galawín, gumaláw, ipagaláw, mapagaláw, pagalawín: Pandiwa
  • • magaláw: Pang-uri

gá•law

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

PANGINGISDA Uri ng panghúli ng hipon at igat sa tubig-tabang na may hugis-embudo na nakalagay sa dákong bunganga at may matutulis na harang na nakalapat sa mga dulo sa loob upang hindi makalabas ang nakapasok na hipon.
BANGÓN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?