KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ár•te

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. TEATRO Masining na galaw o pagpapakita ng damdámin upang gumanap sa isang kuwento (gaya ng ginagawa sa pelikula, dula, at iba pang katulad).
ÁKTING

2. Anyo ng gayak, pananalita, o kilos ng sinumang nagnanais na maging kaakit-akit.
KAÁRTEHÁN

3. Tingnan ang síning

Paglalapi
  • • kaártehán, pag-árte: Pangngalan
  • • aárte, inártehán, nag-inarté, pinaárte, umárte: Pandiwa
  • • maárte: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?