KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•ngón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

PANGINGISDA Tingnan ang gálaw

bá•ngon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-upo o pagtayô búhat sa posisyong nakahiga.
BALIKWÁS

2. Tingnan ang himagsík

Paglalapi
  • • pagbabángon, pagbángon: Pangngalan
  • • bumángon, ibángon, magbángon, makabángon: Pandiwa

Bá•ngon Mang•yán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ANTROPOLOHIYA Mga katutubong matatagpuan sa paligid ng Ilog Binagaw sa Bongabong at sa mga nakapalibot na bundok sa bayan ng Bongabong, Bansud, at Gloria sa Oriental Mindoro.

2. LINGGUWISTIKA Tawag din sa wika nilá.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?