KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ban•táy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagmamasid sa anuman sa layuning hindi ito mapahamak.

2. Tawag din sa táong may ganitong tungkulin.
GUWÁRDIYÁ, SÉNTINÉL, TALIBÀ, BÁDIGÁRD, TÁNOD, ESKÓLTA

Paglalapi
  • • bantáyan, pagbabantáy: Pangngalan
  • • bantayán, binantayán, magbantáy, magpabantáy, pabantayán: Pandiwa
Idyoma
  • bantáy-salákay
    ➞ Táong taksil na sa halip na mangalaga ay siya pang gumagawa ng ikapipinsala ng binabantayan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.