KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gu•wár•di•yá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
guardia
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Propesyonal na bantay ng isang pook na nagpapanatili ng kaayusan at sumusuri sa mga pumapasok.
Batà pa at mahusay ang guwárdiyá ng aming tanggapan.
SIKYÛ, SECURITY GUARD

2. Sinumang kawal na may tungkuling bantayan ang isang pook mula sa kaguluhan.
TALIBÀ, TÁNOD, SÉNTINÉL

Paglalapi
  • • guwárdiyahán, magguwárdiyá, paguwárdiyahán: Pandiwa

gu•wár•di•yá si•bíl

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
guardia civil
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Puwersa ng kapulisan noong panahon ng Espanyol.

2. Tawag din sa mga kasapi nitó.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.