KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•pò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Ninuno ng isang angkan.

2. Kinikilalang lider o nakatataas.
ÁMO, KASÍKE, PANGINOÓN, PUNÒ

3. Tawag-pamitagan sa isang matandang laláki.

4. Sinumang matanda sa nayon.

Paglalapi
  • • apuín: Pandiwa

Á•po

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pinakamataas na bundok sa Pilipinas na may taas na 9,690 talampakan; makikita sa Timog Mindanao at malápit sa Davao.

a•pó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anak ng anak o ng pamangkin.

Idyoma
  • apó sa túhod
    ➞ Anak ng apó.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.