KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•nò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Punongkahoy o ang katawan nitó.

Paglalapi
  • • mapunò: Pang-uri
Idyoma
  • waláng punò, waláng dúlo
    ➞ Nauukol sa mga pagtatálong walang kabuluhan.
  • punò’t dúlo
    ➞ Ang pinagmulan at nagiging bunga ng isang bagay, gawain, o pangyayari.
    Siya ang punò’t dúlo ng gulo sa pamilya.

punò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Táong may nakatataas na posisyon o siyang namamahala sa isang gawain.
LÍDER, HÉPE, PINUNÒ, ÚLO

Paglalapi
  • • pinunò, pámunuán: Pangngalan
  • • magpunò, mamunò, pamunúan: Pandiwa

pu•nò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Dákong ibaba ng anuman (lalo ng isang bagay na nakatayô).

pu•nô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Sagad na ang laman ng sisidlan (lalo kung hanggang sa bunganga).

2. Sakop ang lahat ng puwang (kung sa isang kuwarto).
Punô ng tao ang mall tuwing walang koryente.
LIPÓS

Paglalapi
  • • kapupunán, pamunô: Pangngalan
  • • ipunô, magpunô, makapunô, mamunô-munô, mapunô, pagpunán, punuín, punán: Pandiwa
  • • punóng-punô: Pang-uri
Idyoma
  • punô na
    ➞ Hindi na makapagtimpi sa gálit; ubós na ang pasensiya.
  • bahalà ka nang magpunô
    ➞ Ikaw na ang magdagdag ng mga pagkukulang.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?