KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•lís

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtúngo sa ibang pook; paglipat ng puwesto.
PÁNAW, LÁYAS, LÍSAN, LAYÒ, YÁO, LÁRGA

2. Pagtatanggal.
PAWÌ, PITÁS, TÁBAS

3. Paghuhubad (gaya ng damit).

Paglalapi
  • • pag-aalís, pag-alís, pagkaalís, pagkapaalís, pagpápaalís: Pangngalan
  • • alisán, alisín, ialís, inalisán, inalís, ipaalís, ipag-alís, kaáalís, maalís, mag-alís, mag-alísan, mag-áalís, magpaalís, makaalís, makapagpaalís, mapaalís, mapaalís , paalisín, pinaalís, umalís: Pandiwa
  • • paalís: Pang-uri

A•lís!

Bahagi ng Pananalita
Padamdam
Kahulugan

Utos sa isang tao na lumisan sa kinatatayuan o lumayo sa nagsambit.
Alís! Hindi kitá kailangan dito.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.