KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•wì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Chino
Kahulugan

1. Pag-aalis o pagbubura ng sulat o anumang guhit na likhâ ng lapis, yeso, tinta, atbp.

2. Paglipol o pagsugpô sa anumang umiiral na hindi kanais-nais.

3. Lubos na pagkawalâ (gaya ng gálit, lungkot, dilim, atbp.).
BURÁ

Paglalapi
  • • pamawì: Pangngalan
  • • mapawì, pawíin, pinawì, pumawì: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.