KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•yas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pag-alis nang kusa o walang paalam.
LÍSAN, TÁNAN

Paglalapi
  • • layásan, lumáyas, maglayás, palayásin: Pandiwa

la•yás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi mapirme sa isang lugar; mahilig maglakbay.
GALÂ, LAGALÁG, PALÁBOY, LÍBÓT, HIKÁP

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?