KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ís•yu

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
issue
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Paksang pinag-uusapan o pinagtatalunan, simulain, o gawain ng kalaban na tinututulan o tinutuligsa.
Halos isang buwan nang pinag-uusapan ang ísyu tungkol sa pagdukot sa dalawang dayuhang mámamahayág.
USAPÍN

2. Isa sa mga sunod-sunod na nililimbag at inilalabas sa mga takdang panahon na karaniwang may bílang (gaya ng sa peryodiko, magasin, atbp.).
Hindi akó nakabili ng ísyu ng Liwayway noong isang linggo.
BÍLANG

3. Paglalathala o opisyal na pamimigay gaya ng mga selyong pang-alaala sa mga dakilang Pilipino.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.