KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bí•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. MATEMATIKA Yunit na may takdang sagisag na ginagamit sa pagtukoy ng dami at súkat, paggawa ng mga kalkulasyon, at pagpapakita ng sunuran sa isang serye.
NUMÉRO

2. Pagpapahayag sa kuwantitatibong katangian ng anumang entidad na nahahangganan.
Mali ang bílang niya sa pera.

3. Tingnan ang númerál

4. LINGGUWISTIKA Tawag din sa katangian ng isang salita hinggil dito.

5. Tingnan ang ísyu

Paglalapi
  • • kabílang, pagbibiláng: Pangngalan
  • • bilángan, bilángin, bumílang, ibílang, ipabílang, magbiláng, magpabílang, mapabílang: Pandiwa
  • • biláng: Pang-uri

bí•lang

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Sa paraan ng.
Minahal ko siyá bílang kapatid.

bi•láng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Alam kung ilan.

Idyoma
  • waláng bilangán
    ➞ Pagbabayad ng mga natálo sa sugal.
  • waláng bílang
    ➞ Hindi kasáma o walang halaga.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.