KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•lu•ngát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi sang-ayon (nauukol sa panig o pananaw).
KÓNTRA, LÁBAN, TÚTOL

2. Hindi paayon (nauukol sa kalakaran o tunguhin).
TALIWÁS

3. Tingnan ang salungá

Paglalapi
  • • kasalungát, pagsalungát: Pangngalan
  • • salungatín, sumalungát: Pandiwa
  • • pasalungát: Pang-uri
Idyoma
  • salungát sa ágos
    ➞ Lumihis sa nakagawian o kagustuhan ng nakararami.
    Salungát sa ágos ang naging pasiya ng pangulo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?