KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•ban

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghahamok o pagsasalungatan ng mga pánig.
ÁWAY, LÚTSA

2. Pagiging matatag o hindi pagsuko sa isang pagsubok o malakas na puwersa.
May lában sa ulan ang ating kubo kahit umulan pa nang matagal.
LÚTSA

Paglalapi
  • • kalában, labanán, paglában, pakikipaglában, panlalabán : Pangngalan
  • • ilában, ipaglában, kalabánin, labánan, lumában, maglában, makalában, makipaglában, manlabán, paglabánan, paglabánin: Pandiwa
  • • kalában, labáng-labán, magkalában, mapaglában, mapanlabán: Pang-uri

lá•ban

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang salungát
Lában siya sa pagtatayo ng mga dam na maaaring makasira sa lupaing-ninuno.

Tambalan
  • • labantúlotPangngalan
  • • labantúlotPang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?