KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•bog

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Maliliit na bagay na karaniwang nagkálat.
SAMBÚLAT

2. Kalagayan o anyo ng maliliit na bagay na nakakalat.

3. Pagkakalát ng mga butil ng binhi sa linang.

4. Malakas na putok.

Paglalapi
  • • pagsábog, pasábog: Pangngalan
  • • pasabúgan, isábog, magpasábog, magsábog, masabúgan, masábog, nagpasábog, pasabúgin, sabúgan, sumábog: Pandiwa
  • • sabóg: Pang-uri

sa•bóg

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hiwa-hiwaláy o hindi pisan sa isang tabi o sa isang sisidlan.
KALÁT, MAGULÓ, NAGSAMBÚLAT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?