KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•lat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mga bagay na wala sa ayos at angkop na lugar; dumi sa pook na kailangang maayos at malinis.

2. Paglalagay kung saan-saan o anuman na wala sa ayos.

Paglalapi
  • • pagkálat: Pangngalan
  • • ikálat, kalátan, kumálat, magkalát, magpakálat, maikálat, mangálat: Pandiwa
  • • kalát: Pang-uri

ka•lát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hiwa-hiwalay; matatagpuan sa kung saan-saang dako o pook.
SABÓG, LIPANÀ

2. Tingnan ang lagánap

Paglalapi
  • • kumálat, maikálat, mangálat, nagkákalát: Pandiwa
  • • kalát-kalát, mapagkalát: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?