KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•nò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Dakong ibaba ng anuman (lalo na ng isang bagay na nakatayo).

pu•nò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Táong may nakatataas na posisyon o may hawak ng tungkuling tagapamahala.
LÍDER, HÉPE, PINUNÒ, ÚLO

2. Nangunguna at pumapatnubay sa isang gawain.

Paglalapi
  • • pinunò, pámunuán: Pangngalan
  • • magpunò, mamunò, pamunúan: Pandiwa
Idyoma
  • waláng punò, waláng dúlo
    ➞ Nauukol sa mga pagtatálong walang kabuluhan.
  • punò't dúlo
    ➞ Ang pinagmulan at nagiging bunga ng isang bagay, gawain, o pangyayari.
    Ayokong makialam sa inyong usapan at bakâ akó pa ang maging punò’t dúlo ng inyong away.

pu•nô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Husto na ang laman ng sisidlan, lalo kung hanggang sa bungangà.
LIPÓS

2. Okupadong lahat ang espasyo, gaya ng mga manonood (kung sa sine o dulaan).
Punô ng tao ang mall tuwing walang koryente.
LIPÓS

3. Walang pagkasiyahan sa gálit o samâ-ng-loob at sa gayon ay makagawa nang hindi marapat.

Paglalapi
  • • kapupunán, pamunô: Pangngalan
  • • ipunô, magpunô, makapunô, mamunô-munô, mapunô, pagpunán, punuín, punán: Pandiwa
  • • punóng-punô: Pang-uri
Idyoma
  • punô na
    ➞ Hindi na makapagtimpî sa matinding gálit; ubós na ang pagpapaumanhin.
  • bahalà ka nang magpunô
    ➞ Ikaw na ang magdagdag ng mga pagkukulang.

punò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Punongkahoy o ang katawan nitó.

Paglalapi
  • • mapunò: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?