KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ú•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ANATOMIYA Bahagi ng katawan ng tao na nása dakong itaas ng leeg at kinalalagyan ng mukha, mata, ilong, bibig, at utak.

2. Tawag din sa katulad na bahagi ng anumang hayop.

3. Tawag din sa anumang bahagi na bumubuo sa ibabaw o tuktok ng isang bagay o na nakahahawig nitó sa anyo.

4. Tingnan ang pinunò
Hindi natin maisasagawa ang misyon kung wala ang gabay ng ating úlo.

5. Táong kinikilála dahil sa nangingibabaw na katangian.
Si Asiong ang pinakaúlo ng tápang sa Tondo.

6. Búhay, kung sa usapin ng pagpaslang.
Isang libong piso ang pabuya para sa úlo ng kriminal.

Paglalapi
  • • pagsasaúlo, pangúlo, pánguluhán: Pangngalan
  • • mangúlo : Pandiwa
  • • maúlo, pang-úlo, paúlo: Pang-uri
Idyoma
  • lumakí ang úlo
    ➞ Naging mapagmalaki o mayabang.
  • malamíg ang úlo
    ➞ Mahilig magsabi ng mga kasinungalingan o kahambugan.
  • waláng úlo
    ➞ Salát sa talino o walang nalaláman.
  • mahinà ang úlo
    ➞ Mabagal o hiráp umunawa.
    Mahinà ang úlo ko sa matematika.
  • gamítin ang úlo.
    ➞ Gamítin ang pag-iisip.

u•ló

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Magkadikit ang ulo sa pagkakahiga.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?