KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pú•lot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagdampot ng anuman (lalo ng isang bagay na nahulog).
KÚHA, LIMÓT

2. Anumang bagay na nawaglit ninuman at nadampot naman ng iba.

3. Anumang kaalaman o karunungang nakuha sa iba.
LIMÓT

Paglalapi
  • • mamumúlot : Pangngalan
  • • makapúlot, mamúlot, mapúlot, pulútin, pumúlot: Pandiwa

pu•lót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi tunay na ari; nakuha lámang sa daan; nadampot lámang.

pu•lót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Malapot na katas ng tubó.
DIRÓ

2. Anumang nakatutulad nitó na karaniwan ay matamis.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?