KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lí•mot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkawala sa isip o alaala.
LIGTÂ

Paglalapi
  • • pagkalímot, paglímot: Pangngalan
  • • ipalímot, kalimútan, limútin, lumímot, makalímot, malimútan: Pandiwa
  • • malilimutín: Pang-uri
Idyoma
  • ibaón sa límot, ilibíng sa límot
    ➞ Kalimutan; huwag nang alalahanín.
  • nakalímot
    ➞ Nakatulog nang sandali.

li•mót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang púlot

Paglalapi
  • • limutín: Pandiwa

li•mót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nawaglit sa isip o alaala.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?