KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ná•kaw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Palihim at walang pahintulot na pagkuha ng anumang ari-arian ng iba.
LIBAWÀ, KÚPIT, DÉKWAT, DAMBÓNG, UMÍT

2. Anumang bagay na natamo rito.

Paglalapi
  • • magnanákaw, magnanákaw, nakawán, pagnanákaw, pagnákaw: Pangngalan
  • • nakáwin, pagnakáwan, magnákaw, manákaw, ninákaw, manakáwan, magnanakáw, nakáwan: Pandiwa
  • • nanákaw, panakáw: Pang-uri
  • • panakáw : Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?